10 Tiyak na siya'y magagalit, kayo ay pagsasabihan,kahit pa lihim na mayroon kayong kinikilingan.
11 Sasakmalin kayo ng takot pagkat siya'y makapangyarihan.
12 Mga kasabihan ninyo'y walang silbi tulad ng abo,singhina ng putik ang mga katuwiran ninyo.
13 “Tumahimik na lang kayo at ako'y pasalitain,hayaang mangyari ang mangyayari sa akin.
14 Nakahanda akong itaya ang buhay kong angkin.
15 Hindi ako natatakot kung ako man ay patayin,maiharap lamang sa kanya itong aking usapin.
16 Maaaring iligtas ako ng aking katapangan,sapagkat wala namang masamang tao na makakaharap sa Maykapal.