1 “Ang buhay ng tao'y maikli lamang,subalit punung-puno ng kahirapan.
2 Tulad ng bulaklak na namumukadkad, nalalanta at nalalagas,parang aninong nagdaraan, naglalaho at napaparam.
3 Titingnan mo pa ba ang ganitong nilalang?Dadalhin mo pa ba siya sa hukuman?
4 Mayroon bang malinis na magmumula,sa taong marumi at masama?
5 Sa simula pa'y itinakda na ang kanyang araw,at bilang na rin ang kanyang mga buwan,nilagyan mo na siya ng hangganan na hindi niya kayang lampasan.
6 Lubayan mo na siya at pabayaan,nang makatikim naman kahit kaunting kaginhawahan.