1 Sumagot si Bildad na Suhita,
2 “Kay rami naman ng iyong sinasabi,tumahimik ka muna at pakinggan kami.
3 Kami ba'y ano sa iyong palagay?Mga bakang hangal at walang nalalaman?
4 Sarili mo lang ang iyong sinasaktan, dahil sa galit na iyong tinataglay.Pababayaan ba ang daigdig dahil lamang sa iyo,at aalisin ang mga bundok sa kanilang puwesto?
5 “Ang ilaw ng masama'y tiyak na papatayin,ang kanyang apoy ay di na papaningasin.
6 Ang ilaw sa kanyang tahana'y pagdidilimin.
7 Ang matatag niyang hakbang ngayon ay nabubuwal,pagbagsak niya'y nalalapit sa kanya ring kasamaan.