5 “Ang ilaw ng masama'y tiyak na papatayin,ang kanyang apoy ay di na papaningasin.
6 Ang ilaw sa kanyang tahana'y pagdidilimin.
7 Ang matatag niyang hakbang ngayon ay nabubuwal,pagbagsak niya'y nalalapit sa kanya ring kasamaan.
8 Di niya namamalayang ang kanyang mga paa ay sa bitag pupunta,
9 kaya naman nasisilo itong kanyang mga paa.
10 Isang silo ang sa kanya'y iniumang,may bitag na nakahanda sa kanyang daraanan.
11 “Saanman siya bumaling, takot ay naghihintay;sinusundan siya nito sa bawat hakbang.