6 Dapat ninyong malaman, ang Diyos ang may gawa nito;ang bitag niyang iniumang ay nasa paligid ko.
7 Tumututol ako sa ganitong karahasan,ngunit walang nakikinigsa sigaw kong katarungan.
8 Hinarangan ng Diyos ang aking daraanan;binalot niya ng dilim ang landas kong lalakaran.
9 Inalis niyang lahat ang aking kayamanan,sinira pa niya ang aking karangalan.
10 Saanman ako bumaling, ako'y kanyang pinapalo,parang punong binunot, pag-asa ko'y natutuyo.
11 Matindi ang galit ng Diyos sa akin;isang kaaway ang sa aki'y kanyang turing.
12 Ang hukbo niya ay tinipon at ako ay kinubkob,ang aking tahanan ay kanilang sinakop.