13 Ang buong buhay nila'y puspos ng kasaganaan;at mapayapa ang kanilang pagharap sa kamatayan.
14 “Sinasabi nila sa Diyos, ‘Huwag mo kaming pakialaman.Ayaw naming alamin ang iyong kalooban!
15 Sino ba ang Makapangyarihang Diyos upang sambahin namin?At ano bang mapapala kung sa kanya'y mananalangin?’
16 Ang akala nila, sa sariling lakas galing ang tagumpay,ngunit di ako sang-ayon sa kanilang palagay.
17 “Ilawan ba ng masama'y pinatay nang minsan?Sila ba ay dumanas ng matinding kahirapan,at ang parusa ng Diyos, sa kanila ba'y ipinataw?
18 Itinulad ba sa dayaming nililipad nitong hangino ipang walang laman, tinatangay sa papawirin?
19 “Sinasabi ninyong ang anak ay pinaparusahan dahil sa sala ng kanyang magulang.Parusahan sana ng Diyos ang mismong may kasalanan!