22 Sinong makakapagturo ng dapat gawin ng Diyos,na siyang humahatol sa buong sansinukob?
23 “May taong namamatay sa gitna ng kasaganaan,panatag ang katayuan, maginhawa ang kabuhayan.
24 Katawan niya ay malusog,at malalakas ang tuhod.
25 Mayroon namang namamatay sa kahirapan,ni hindi nakalasap kahit kaunting kaligayahan.
26 Ngunit pareho silang sa alabok nahihimlay,at kapwa inuuod ang kanilang katawan.
27 “Alam ko kung ano ang binabalak ninyong gawinat ang masamang iniisip ninyo laban sa akin.
28 Tiyak na itatanong ninyo kung nasaan ang tahananng taong namuhay sa kasamaan.