18 Sa kabila nito, sila pa rin ay pinagpala;di ko talaga maunawaan ang pag-iisip ng masama.
19 Natutuwa ang matuwid, ang mabuti'y nagagalakkapag nakita nilang ang masama'y napapahamak.
20 Sabi nila, ‘Ang mga kaaway nati'y nalugmok,at ang mga ari-arian nila ay natupok.’
21 “Sumang-ayon ka sa Diyos, makipagkasundo ka sa kanya,ang buhay mo'y gaganda at magiging maginhawa.
22 Makinig ka sa kanyang itinuturo,mga sinasabi niya'y itanim mo sa iyong puso.
23 Manumbalik ka sa Makapangyarihan, ikaw ay magpakumbabá,at alisin mo sa iyong tahanan lahat ng gawaing masama.
24 Ang lahat mong kayamanan ay itapon mo sa alabok,at ang mamahaling ginto ay ihagis mo na sa ilog.