2 “Ang tao ba'y may maitutulong sa Diyos na Manlilikha,kahit na siya'y marunong o kaya ay dakila?
3 May pakinabang ba ang Makapangyarihang Diyos kung ikaw ay matuwid,may mapapala ba siya kung ikaw man ay malinis?
4 Dahil ba sa takot mo sa kanya, kaya ka niya sinasaway,pinagsasabihan at dinadala sa hukuman?
5 Hindi! Ito'y dahil sa napakalaki ng iyong kasalanan,at sa mga ginagawa mong mga kasamaan.
6 Mga kapatid mo'y iyong pinaghuhubad,upang sa utang nila sa iyo sila'y makabayad.
7 Ang mga nauuhaw ay hindi mo pinainom;hindi mo pinakain ang mga nagugutom.
8 Lakas mo ang ginagamit kaya lupa'y nakakamkam,at ibinibigay ito sa iyong kinalulugdan.