12 Ngunit saan kaya matatagpuan itong karunungan?At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?
13 “Hindi alam ng tao ang daan tungo sa karunungan;wala iyon sa lupain ng mga nabubuhay.
14 Ang sabi ng kalaliman, ‘Wala sa akin ang kaalaman.’Ganito rin ang sinasabi ng buong karagatan.
15 Hindi ito mabibili kahit ginto ang ibayad,hindi ito makukuha palitan man ng pilak.
16 Ang pinakamahal na ginto at alahas,sa halaga ng karununga'y hindi maitutumbas.
17 Mahigit pa kaysa ginto ang timbang ng karunungan,mas mahal kaysa sa alahas o sa gintong kayamanan.
18 Mas mahalaga ang karunungan kaysa magandang koral,higit itong mamahalin kaysa perlas o sa kristal.