20 “Kung gayo'y saan nga nagmumula ang karunungan?At ang pang-unawa, saan kaya matututunan?
21 Hindi ito nakikita ng sinumang nilalang,mga ibong lumilipad, hindi rin ito natatanaw.
22 Kahit ang Pagkawasak at ang Kamatayanay nagsasabing ang narinig nila'y mga sabi-sabi lamang.
23 “Ngunit tanging ang Diyos lang ang siyang nakakaalamkung saan naroroon ang tunay na karunungan.
24 Pagkat nakikita niya ang bawat sulok ng daigdig;natatanaw niyang lahat ang nasa ilalim ng langit.
25 Ang hangin ay kanyang binigyan ng bigat,ang karagatan ay itinakda niya ang sukat.
26 Ipinasya niya kung saan papatak ang ulan,at pati ang kidlat, binigyan niya ng daraanan.