1 Pagkaraan ng matagal na pananahimik, nagsalita si Job at isinumpa ang araw nang siya'y isilang.
2 Ito ang kanyang sinabi:
3 “Hindi na sana ako ipinanganak paat hindi na rin sana ako ipinaglihi.
4 Nabalot na sana ng dilimat huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos.Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag.
5 Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman,at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw.
6 Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon,at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan.
7 Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan,