16 o tulad ng mga sanggol na patay nang ipanganak at hindi na nakakita pa ng liwanag.
17 Sa libinga'y hindi na makakapanggulo ang mga masasama,at doon ang mga napapagod ay makakapagpahinga.
18 Doon, pati mga bihag ay wala nang ligalig,wala nang mga sigaw at utos na mabagsik.
19 Ang mga abâ at mga dakila ay sama-sama roon,ang mga alipin ay malaya na sa kanilang panginoon.
20 “Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lamang?At bakit pa binuhay kung daranas din lang ng kahirapan?
21 Kamataya'y hinahanap ngunit hindi matagpuan,hinuhukay at ninanais higit pa sa kayamanan.
22 Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan.