18 Doon, pati mga bihag ay wala nang ligalig,wala nang mga sigaw at utos na mabagsik.
19 Ang mga abâ at mga dakila ay sama-sama roon,ang mga alipin ay malaya na sa kanilang panginoon.
20 “Bakit pa isinilang kung magdurusa rin lamang?At bakit pa binuhay kung daranas din lang ng kahirapan?
21 Kamataya'y hinahanap ngunit hindi matagpuan,hinuhukay at ninanais higit pa sa kayamanan.
22 Sa kanila'y ubod-tamis nitong kamatayan.
23 Ano kaya ang dahilan at ang tao'y isinilang,kung inilihim naman ng Diyos ang kanyang patutunguhan?
24 Karaingan ang aking pagkain,pagtitiis ang aking inumin.