4 Nabalot na sana ng dilimat huwag mo na sanang maalala pa ang araw na iyon, O Diyos.Huwag mo na sanang pasikatan pa ito ng liwanag.
5 Nanatili na lamang sana ito sa takip ng kadiliman,at nabalot ng ulap, upang huwag nang sikatan ng araw.
6 Nalagas sana ito sa tangkay ng panahon,at hindi na napabilang sa aklat ng kasaysayan.
7 Ang gabing iyon sana'y malumbay; wala na sanang sigaw ng kagalakan,
8 at sumpain ng mga salamangkerongnagpapaamo ng dambuhalang Leviatan.
9 Huwag na sanang sumikat ang bituin sa umaga,at huwag na sanang sundan ng umaga ang gabi.
10 Sumpain ang gabi ng aking pagsilangna nagdulot sa akin ng ganitong kahirapan.