26 Tuwa at liwanag ang aking inaasahan;subalit ang dumating ay hirap at kadiliman.
27 Kahirapan at sakit ang kayakap ko sa buhay,at siyang nakakasama sa bawat araw.
28 Ang landas ko ay madilim at walang kapanatagan;ako'y nagmamakaawa sa lahat kong kababayan.
29 Ang tinig ko'y walang sigla at namamalat,parang boses ng uwak at ng asong gubat.
30 Ang balat ko'y nangingitim at natutuklap, sagad hanggang buto itong aking lagnat.
31 Ang dati kong naririnig ay masasayang tugtugan,ngayo'y tunog ng pagluluksa at pag-iiyakan.