1 “Ako'y taimtim na nangako sa aking sarili,na di titingin nang may pagnanasa sa ibang babae.
2 Anong ginagawa ng Makapangyarihang Diyos sa atin?Anong gantimpala niya sa ating gawain?
3 Ibinibigay niya'y kapahamakan at pagkasira,sa mga taong gumagawa ng mali at masama.
4 Lahat ng ginagawa ko'y kanyang nalalaman,kitang-kita niya ang aking bawat hakbang.
5 “Pagsisinungaling ay hindi ko ginawa,kahit isang tao'y wala akong dinaya.