19 “Ang makita kong walang damitpagkat walang maibili,
20 binibigyan ko ng makapal na damit,kaya't pasasalamat niya'y walang patid.
21 “Kung ang mga ulila'y aking inapi,pagkat alam kong sa hukuma'y ako ang magwawagi,
22 mabuti pang mga bisig ko ay baliin,at sa aking balikat ito ay tanggalin.
23 Sapagkat sa parusa ng Diyos ako'y natatakot,hindi ko kayang gawin ang gayong gawaing baluktot.
24 “Kung ako ay umasa sa aking kayamanan,at gintong dalisay ang pinanaligan;
25 kung dahil sa tinatangkilik, ako ay nagyabang,o nagpalalo dahil sa aking kayamanan;