14 Magsalita man siya sa iba't ibang paraan,hindi pa rin natin ito lubos na mauunawaan.
15 Nagsasalita siya sa panaginip at pangitain,sa kalaliman ng gabi, kapag ang tao'y nahihimbing.
16 Ipinapaunawa niya ang kanyang saloobin,nagbibigay ng babala sa kanilang pangitain.
17 Nagsasalita ang Diyos upang sila ay pigilansa paggawa ng masama at sa kapalaluan.
18 Hindi nais ng Diyos na sila'y mamataykaya sila'y iniligtas niya mula sa hukay.
19 Pinadadalhan niya ang tao ng iba't ibang sakit,upang sa pamamagitan ng kirot ang tao'y maituwid.
20 Ang taong may sakit ay walang panlasa,masarap man ang pagkain, wala pa ring gana.