2 Sasabihin ko na ang laman ng aking isipan,
3 lahat ng ilalahad ko ay pawang katapatan,lahat ng ihahayag ay pawang katotohanan.
4 Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin,buhay na taglay ko ay sa Makapangyarihang Diyos nanggaling.
5 “Kung kaya mo'y sagutin mo itong aking sasabihin,ang iyong mga katuwiran ay ihanda mo na rin.
6 Ikaw at ako'y iisa sa harap ng Diyos natin,parehong sa putik tayo nanggaling.
7 Kaya sa aki'y wala kang dapat alalahanin,huwag mong isiping ika'y aking gagapiin.
8 “Ito ang narinig kong sinabi mo: