1 Sinabi pa ni Elihu,
2 “Makinig kayo, matatalinong tao,itong sinasabi ko ay pakinggan ninyo.
3 Tulad ng masarap na pagkaing inyong natikman,salita ng karunungan, nawa'y inyong pakinggan.
4 Atin ngang talakayin itong usapin,kung ano ang tama ay ating alamin.
5 Ayon dito kay Job ay wala siyang sala,at katarungan ay ipinagkakait daw sa kanya.