16 “Kung matalino kayo, pakinggan ninyo ito.
17 Hindi ba ang Diyos ay makatarungan,bakit hinahatulan siya na parang makasalanan?
18 Sa mga hari, siya ang nagpaparusa,kung sila'y masama at walang halaga.
19 Siya ang lumikha sa sangkatauhan,kaya walang itinatangi, mahirap man o mayaman.
20 Sa isang kisap-mata, ang tao'y mamamatay,ang hampasin ng Diyos, bigla na lamang papanawkahit siya'y malakas o makapangyarihan.
21 Bawat kilos ng tao'y tinitingnan niya,ang bawat hakbang nito'y di lingid sa kanya.
22 Walang sapat na kadilimanang mapagtataguan ng mga makasalanan.