23 Hindi na kailangan ng Diyos na magtakda ng panahon,upang ang tao'y lumapit sa kanya at gawaran ng hatol.
24 Hindi na rin kailangang siya'y mag-imbestiga,upang mga pinuno'y alisin at palitan ng iba.
25 Sapagkat alam niya ang kanilang mga gawain,sa gitna ng dilim, sila'y kanyang wawasakin.
26 Pinaparusahan niya ang masasama nang nakikita ng madla,
27 sapagkat ang kanyang mga utos ay nilalabag nila.
28 Dahil sa masasama, ang mahihirap ay humihibikkaya't sa daing nila ang Diyos ay nakikinig.
29 “Kung ipasya ng Diyos na huwag kumibo,walang maaaring sa kanya'y magreklamo.Kung kanyang talikuran ang sangnilikha, ang tao kaya ay may magagawa?