13 “Poot ang naghahari sa dibdib ng masama,parusahan man ng Diyos, ayaw pa ring magmakaawa.
14 Sa kanilang kabataan sila ay namamatay,nagwakas sa kahihiyan ang kanilang mga buhay.
15 Ang tao'y pinaghihirap ng Diyos upang bigyang-aral,at kanyang pinagdurusa upang mabuksan ang kanilang pananaw.
16 “Inalis ka ng Diyos sa kaguluhan,pinagtamasa ka niya ng kapayapaan,at pinuno ng pagkain ang iyong tahanan.
17 Ngunit ngayon, ikaw ay pinaparusahan bilang katumbas ng iyong kasamaan.
18 Huwag mong pabayaang suhulan ka ng sinuman,mag-ingat upang di mailigaw ng mga kayamanan.
19 Dumaing ka man nang dumaing ay wala nang mangyayari,ang taglay mong lakas ngayon ay wala na ring silbi.