2 Bilang mo ba ang araw ng anak niya habang nasa tiyan?Alam mo ba kung kailan ito iluluwal?
3 Namasdan mo ba habang sila ay gumagapangsa pagbubukas ng sinapupunan upang ang anak ay isilang?
4 Ang kanilang mga anak doon lumalaki sa parangat kapag malaki na ay tuluyang lumilisan.
5 “Sino ba ang nagbibigay laya sa mga asno?Sa asnong maiilap, ang nagpalaya ay sino?
6 Tirahang ibinigay ko ay ang kaparangan,at doon sa maalat na kapatagan.
7 Sila'y lumalayo sa lunsod na maingay,walang makapagpaamo at hindi mautusan.
8 Ang pastulan nila'y ang kaburulan,hinahanap nila'y sariwang damuhan.