23 Ang mga sandata ng sa kanya'y nakasakay,sa sikat ng araw kumakalampag at kumikinang.
24 Sa bilis ng kanyang takbo, lupa'y parang nilululon,hindi siya mapakali kapag trumpeta ay umugong.
25 Sa tunog ng trumpeta'y halinghing ang sagot niya.Ang ingay ng digmaan, dinig nito kahit malayo pa;maging ang utos ng kapitan sa mga kasama.
26 “Ikaw ba ang nagturo sa lawin upang ito'y makalipad,kapag ikinakampay ang pakpak tungo sa timog ang tahak?
27 Naghihintay ba ng iyong utos ang agila,upang sa mataas na bundok gumawa ng pugad niya?
28 Matataas na bato ang kanyang tirahan,mga pagitan ng bato ang pinagkukutaan.
29 Ang kanyang biktima'y doon niya pinagmamasdan,kahit malayo pa ay kanya nang natatanaw.