12 Mga pakana ng mga tuso'y kanyang sinisira,kaya anumang gawin nila'y wala silang napapala.
13 Ang mga tuso'y inihuhulog niya sa sarili nilang bitag,kanilang mga pakana'y kaagad nagwawakas.
14 Di makita ang daan kahit na sa araw, sila'y nangangapa kahit katanghalian.
15 Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila,iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha.
16 Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama.
17 “Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan,ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam.
18 Ginagamot niya ang kanyang nasugatan,pinapagaling niya ang kanyang nasaktan.