15 Ngunit inililigtas ng Diyos ang mga ulila,iniaahon niya sa kaapihan ang mga dukha.
16 Binibigyan niya ng pag-asa ang mga dukha, pinatatahimik niya ang masasama.
17 “Mapalad ang taong dinidisiplina ng Diyos na Makapangyarihan,ang pagtutuwid niya sa iyo'y huwag mong ipagdamdam.
18 Ginagamot niya ang kanyang nasugatan,pinapagaling niya ang kanyang nasaktan.
19 Sa tuwi-tuwina, paningin niya'y nasa iyo, upang ikaw ay ingatan, laging handang sumaklolo.
20 Sa panahon ng taggutom, di ka niya pababayaan,at kung sa digmaan ay hindi ka niya iiwan.
21 Ililigtas ka niya sa dilang mapanira,at di ka matatakot sa kapahamakan.