3 Nakakita na ako ng mga hangal na panatag kung titingnan,ngunit bigla kong sinusumpa ang kanilang mga tahanan.
4 Walang matakbuhan ang kanilang mga anak,walang sinuman ang sa kanila'y magligtas.
5 Ang kanilang ani'y kinakain ng mga gutom,kahit ang nasa tinikan, inaagaw sa kanila.Ninanasa ng mga uhaw ang kayamanan nila.
6 Ang kahirapa'y hindi sa alabok nagmula,at ang kaguluha'y hindi tumutubo sa lupa.
7 Tiyak na daranas ng kahirapan ang tao,kung paanong may tilamsik ng apoy sa apuyan.
8 “Kung ako sa iyo, lalapit ako sa Diyos,at ang aking kalagayan, sa kanya idudulog.
9 Mga dakilang gawa niya'y di natin mauunawaan,mga kababalaghan niya ay walang katapusan.