42 Ang mga anak na lalaki ni Ezer ay sina Bilhan, Zaavan at Akan. Ang mga anak na lalaki ni Dishan ay sina Uz at Aran.
43 Ito ang mga hari ng Edom, noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.
44 Pagkamatay niya, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.
45 Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman.
46 Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab.
47 Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka.
48 Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa Ilog ng Eufrates.