1 Ito ang mga anak na lalaki ni Levi: sina Gershon, Kohat at Merari.
2 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
3 Ang mga anak ni Amram ay sina Aaron, Moises at Miriam. Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
4 Si Eleazar ay ama ni Finehas, si Finehas ay ama ni Abishua,
5 at si Abishua ay ama ni Buki. Si Buki ay ama ni Uzi,
6 si Uzi ay ama ni Zerahia at si Zerahia ay ama ni Merayot.
7 Si Merayot ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub,
8 si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Ahimaaz,
9 si Ahimaaz ay ama ni Azaria, at si Azaria ay ama ni Johanan.
10 Si Johanan ay ama ni Azaria na siyang punong pari nang ipinatayo ni Solomon ang templo sa Jerusalem.
11 Si Azaria ay ama ni Amaria, si Amaria ay ama ni Ahitub,
12 at si Ahitub ay ama ni Zadok. Si Zadok ay ama ni Shalum,
13 si Shalum ay ama ni Hilkia at si Hilkia ay ama ni Azaria.
14 Si Azaria ay ama ni Seraya at si Seraya ay ama ni Jehozadak.
15 Si Jehozadak ay kasama sa mga bihag nang ipabihag ng Panginoon ang mga mamamayan ng Jerusalem at Juda kay Nebucadnezar.
16 Ang mga anak na lalaki ni Levi ay sina Gershon, Kohat at Merari.
17 Ang mga anak na lalaki ni Gershon ay sina Libni at Shimei.
18 Ang mga anak na lalaki ni Kohat ay sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.
19 Ang mga anak na lalaki ni Merari ay sina Mahli at Mushi.Ito ang mga pamilya ng mga Levita na itinala ayon sa kanilang mga ninuno:
20 Sa mga angkan ni Gershon: sina Libni, Jehat, Zima,
21 Joa, Iddo, Zera at Jeaterai.
22 Sa mga angkan ni Kohat: sina Aminadab, Kora, Asir,
23 Elkana, Ebiasaf, Asir,
24 Tahat, Uriel, Uzia at Shaul.
25 Sa mga angkan ni Elkana: sina Amasai, Ahimot,
26 Elkana, Zofai, Nahat,
27 Eliab, Jeroham, Elkana at Samuel.
28 Ang mga anak na lalaki ni Samuel ay si Joel, ang panganay, at ang ikalawa ay si Abijah.
29 Sa mga angkan ni Merari: sina Mahli, Libni, Shimei, Uza,
30 Shimea, Haggia at Asaya.
31 May mga taong itinalaga ni David sa pag-awit at pagtugtog sa bahay ng Panginoon matapos malipat doon ang Kahon ng Kasunduan.
32 Naglingkod sila sa pamamagitan ng pag-awit doon sa Toldang Sambahan na tinatawag ding Toldang Tipanan hanggang sa panahon na naipatayo ni Solomon ang templo ng Panginoon sa Jerusalem. Ginawa nila ang kanilang gawain ayon sa mga tuntunin na ipinatupad sa kanila.
33 Ito ang mga naglilingkod na kasama ang kanilang mga anak:Si Heman na isang musikero na mula sa angkan ni Kohat. (Si Heman ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Samuel. Si Samuel ay anak ni Elkana.
34 Si Elkana ay anak ni Jeroham. Si Jeroham ay anak ni Eliel. Si Eliel ay anak ni Toa.
35 Si Toa ay anak ni Zuf. Si Zuf ay anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Mahat. Si Mahat ay anak ni Amasai.
36 Si Amasai ay anak ni Elkana. Si Elkana ay anak ni Joel. Si Joel ay anak ni Azaria. Si Azaria ay anak ni Zefanias.
37 Si Zefanias ay anak ni Tahat. Si Tahat ay anak ni Asir. Si Asir ay anak ni Ebiasaf. Si Ebiasaf ay anak ni Kora.
38 Si Kora ay anak ni Izar. Si Izar ay anak ni Kohat. Si Kohat ay anak ni Levi. Si Levi ay anak ni Israel.)
39 Si Asaf na mula sa angkan ni Gershon. Siya ang unang tagapamahala ni Heman. (Si Asaf ay anak ni Berekia. Si Berekia ay anak ni Shimea.
40 Si Shimea ay anak ni Micael. Si Micael ay anak ni Baaseya. Si Baaseya ay anak ni Malkia.
41 Si Malkia ay anak ni Etni. Si Etni ay anak ni Zera. Si Zera ay anak ni Adaya.
42 Si Adaya ay anak ni Etan. Si Etan ay anak ni Zima. Si Zima ay anak ni Shimei.
43 Si Shimei ay anak ni Jahat. Si Jahat ay anak ni Gershon. Si Gershon ay anak ni Levi.)
44 Si Etan na mula sa angkan ni Merari. Siya ang pangalawang tagapamahala ni Heman. (Si Etan ay anak ni Kishi. Si Kishi ay anak ni Abdi. Si Abdi ay anak ni Maluc.
45 Si Maluc ay anak ni Hashabia. Si Hashabia ay anak ni Amazia. Si Amazia ay anak ni Hilkia.
46 Si Hilkia ay anak ni Amzi. Si Amzi ay anak ni Bani. Si Bani ay anak ni Shemer.
47 Si Shemer ay anak ni Mahli. Si Mahli ay anak ni Mushi. Si Mushi ay anak ni Merari. At si Merari ay anak ni Levi.)
48 Ang mga kapwa nila Levita ay binigyan ng ibang gawain sa Toldang Sambahan, ang bahay ng Dios.
49 Pero si Aaron at ang kanyang angkan ang naghahandog sa altar na pinag-aalayan ng mga handog na sinusunog at sa altar na pinagsusunugan ng insenso. At sila rin ang gumagawa ng iba pang mga gawain na may kinalaman sa ginagawa sa Pinakabanal na Lugar. Naghahandog sila para sa kapatawaran ng kasalanan ng Israel. Ginagawa nila ito ayon sa lahat ng iniutos ni Moises na lingkod ng Dios.
50 Ito ang mga angkan ni Aaron: sina Eleazar, Finehas, Abishua,
51 Buki, Uzi, Zerahia,
52 Merayot, Amaria, Ahitub,
53 Zadok, at Ahimaaz.
54 Ito ang mga lupain na ibinigay sa angkan ni Aaron na mula sa angkan ni Kohat. Sila ang unang binigyan ng lupain sa pamamagitan ng palabunutan.
55 Kabilang sa mga lupaing ito ay ang Hebron na nasa Juda at ang mga pastulan sa paligid nito.
56 Pero ang mga bukirin at ang mga baryo sa paligid ng Hebron ay ibinigay kay Caleb na anak ni Jefune.
57 Kaya ibinigay sa angkan ni Aaron ang mga sumusunod na lupain kabilang ang mga pastulan nito: Hebron (ang lungsod na tanggulan), Libna, Jatir, Estemoa,
58 Hilen, Debir,
59 Ashan, Juta, at Bet Shemesh.
60 At mula sa lupain ng lahi ni Benjamin ay ibinigay sa kanila ang Gibeon, Geba, Alemet at Anatot, pati na ang mga pastulan nito. Ang bayan na ibinigay sa angkang ito ni Kohat ay 13 lahat.
61 Ang natirang mga angkan ni Kohat ay binigyan ng sampung bayan sa pamamagitan ng palabunutan mula sa lupain ng kalahating lahi ni Manase.
62 Ang mga angkan ni Gershon ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 13 bayan mula sa mga lahi nina Isacar, Asher, Naftali, at mula sa kalahating lahi ni Manase sa Bashan.
63 Ang angkan ni Merari, ayon sa bawat pamilya ay binigyan ng 12 bayan mula sa lahi nina Reuben, Gad at Zebulun.
64 Kaya ibinigay ng mga Israelita sa mga Levita ang mga bayang ito at ang mga pastulan nito.
65 Ibinigay din sa lahi ni Levi ang mga nabanggit na bayan na mula sa lahi nina Juda, Simeon at Benjamin.
66 Ang ibang mga pamilya ni Kohat ay binigyan ng mga bayan mula sa lahi ni Efraim.
67 Ibinigay sa kanila ang Shekem (na siyang lungsod na tanggulan sa kaburulan ng Efraim), ang Gezer,
68 Jokmeam, Bet Horon,
69 Ayalon at Gat Rimon, pati na ang mga pastulan nito.
70 Ang iba pang angkan ni Kohat ay binigyan ng mga kapwa nila Israelita ng mga bayan mula sa kalahating lahi ni Manase. Ang ibinigay sa kanila ay ang Aner at Bileam pati ang mga pastulan nito.
71 Ang angkan ni Gershon ay binigyan ng mga sumusunod na bayan:Mula sa kalahating lahi ni Manase: Golan sa Bashan at ang Ashtarot, pati ang mga pastulan nito.
72 Mula sa lahi ni Isacar: Kedesh, Daberat,
73 Ramot at Anem, pati ang mga pastulan nito.
74 Mula sa lahi ni Asher: Mashal, Abdon,
75 Hukok at Rehob, pati ang mga pastulan nito.
76 Mula sa lahi ni Naftali: Kedesh sa Galilea, Hammon at Kiriataim, pati ang mga pastulan nito.
77 Ang mga natirang angkan ni Merari ay binigyan ng mga sumusunod na lupain:Mula sa lahi ni Zebulun: Jokneam, Karta, Rimono at Tabor, pati ang mga pastulan nito.
78 Mula sa lahi ni Reuben na nasa kabilang Ilog ng Jordan sa silangan ng Jerico: Bezer sa may disyerto, Jaza,
79 Kedemot at Mefaat, pati ang mga pastulan nito.
80 At mula sa lahi ni Gad: Ramot sa Gilead, Mahanaim,
81 Heshbon at Jazer, pati ang mga pastulan nito.