1 Ito ang mga grupo ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo:Mula sa pamilya ni Kora, si Meshelemia na anak ni Kore na miyembro ng pamilya ni Asaf,
2 at ang pito niyang anak na lalaki: si Zacarias ang panganay, at ang kasunod ay sina Jediael, Zebadia, Jatniel,
3 Elam, Jehohanan at Eliehoenai.
4 Kasama rin si Obed Edom at ang walo niyang anak na lalaki: si Shemaya ang panganay, at ang kasunod ay sina Jehozabad, Joa, Sacar, Netanel,
5 Amiel, Isacar at Peuletai. Pinagpala ng Dios si Obed Edom.
6-7 Ang panganay na anak ni Obed Edom na si Shemaya ay may mga anak na lalaki na may kakayahan at mga pinuno ng kanilang mga pamilya. Silaʼy sina Otni, Refael Obed at Elzabad. Ang kanilang kamag-anak na sina Elihu at Semakia ay may mga kakayahan din.
8 Lahat sila ay mula sa angkan ni Obed Edom. Sila at ang kanilang mga anak at kamag-anak ay 62 lahat. Mahuhusay sila at may kakayahan sa paggawa.
9 Ang 18 anak at mga kamag-anak ni Meshelemia ay may mga kakayahan din.
10 Si Hosa na mula sa pamilya ni Merari ay may mga anak din. Ginawa niyang pinuno ng kanilang pamilya si Shimri kahit hindi siya ang panganay na anak.
11 Ang sumunod kay Shimri ay sina Hilkia, Tabalia at Zacarias. 13 lahat ang anak at mga kamag-anak ni Hosa na mga tagapagbantay sa pintuan ng templo.
12 Iginrupo ang mga guwardya ng mga pintuan ng templo ayon sa pinuno ng kanilang pamilya, at may mga tungkulin sila sa paglilingkod sa templo ng Panginoon, katulad ng kasama nilang mga Levita.
13 Nagpalabunutan sila kung aling pinto ang babantayan ng mga pamilya nila, bata man o matanda.
14 Ang pintuan sa gawing silangan ang nabunot ni Shelemia, at ang pintuan sa gawing hilaga ang nabunot ng anak niyang mahusay magpayo na si Zacarias
15 Ang pintuan sa gawing timog ang nabunot ni Obed Edom, at sa mga anak niyang lalaki ipinagkatiwala ang mga bodega.
16 Ang pintuan sa gawing kanluran at ang pintuan paakyat sa templo ang nabunot ni Shupim at Hosa.Bawat isa sa kanilaʼy may takdang oras ng pagbabantay:
17 Sa gawing silangan, anim na guwardya ang nagbabantay araw-araw, sa gawing hilaga ay apat, sa gawing timog ay apat din, at sa bawat bodega ay tig-dadalawa.
18 Sa gawing kanluran, apat ang nagbabantay, sa daanan paakyat sa templo ay apat din, at sa bakuran ng templo ay dalawa.
19 Iyon ang mga grupo ng mga guwardya ng mga pintuan ng templo na angkan nina Kora at Merari.
20 Ang ibang mga Levita na pinamumunuan ni Ahia ang katiwala sa mga bodega ng templo ng Dios, kabilang na ang mga bodega ng mga inihandog sa Dios.
21 Si Ladan ay mula sa angkan ni Gershon at ama ni Jehieli. Ang ilan sa mga miyembro ng kanyang pamilya ay mga pinuno rin ng kanyang mga angkan.
22 Ang mga anak ni Jehieli na sina Zetam at Joel ang katiwala ng mga bodega ng templo ng Panginoon.
23 Ito ang mga pinuno mula sa angkan ni Amram, Izar, Hebron at Uziel: Mula sa angkan ni Amram:
24 si Shebuel, na mula rin sa angkan ni Gershom, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo.
25 Ang mga kamag-anak niya sa angkan ni Eliezer ay sina Rehabia, Jeshaya, Joram, Zicri at Shelomit.
26 Si Shelomit at ang kanyang mga kamag-anak ang katiwala sa mga bodega ng mga handog na inialay ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga kumander ng libu-libo at ng daan-daang sundalo, at ng iba pang mga pinuno.
27 Inihandog nila ang ibang nasamsam nila sa labanan para gamitin sa templo ng Panginoon.
28 Si Shelomit din at ang kanyang mga kamag-anak ang nangalaga sa lahat ng mga inihandog ni Samuel na propeta, ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruya. Ang iba pang mga inihandog ay ipinamahala din nila.
29 Mula sa mga angkan ni Izar: si Kenania at ang mga anak niyang lalaki, na siyang nangangasiwa at mga hukom sa buong Israel. Hindi sila naglilingkod sa loob ng templo.
30 Mula sa angkan ni Hebron: si Hashabia at ang 1,700 kamag-anak niya na may mga kakayahan. Pinagkatiwalaan sila na mamahala ng mga lupain sa gawing kanluran ng Ilog ng Jordan. Sila ang nangangasiwa ng mga gawain ng Panginoon at ng hari sa lugar na iyon.
31 Si Jeria ang pinuno ng angkan ni Hebron ayon sa talaan ng kanilang mga pamilya. Nang ika-40 taon ng paghahari ni David, siniyasat ang mga talaan, at natuklasan na may angkan si Hebron sa Jazer na sakop ng Gilead, at may mga kakayahan sila.
32 Si Jeria ay may 2,700 kamag-anak na may mga kakayahan at mga pinuno ng mga pamilya. Sila ang pinamahala ni Haring David sa lahi ni Reuben, Gad at sa kalahating lahi ni Manase. Sila ang nangangasiwa sa lahat ng gawain ng Dios at ng hari sa mga lugar na iyon.