1 Ito ang listahan ng mga pinuno, mga kumander, at mga opisyal ng mga Israelita na naglilingkod sa hari bilang tagapangasiwa sa grupo ng mga sundalong naglilingkod ng isang buwan sa bawat taon. Ang bawat grupo ay may 24,000 sundalo.
2 Si Jashobeam na anak ni Zabdiel ang kumander ng mga sundalo sa unang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
3 Mula siya sa angkan ni Perez at pinuno ng lahat ng opisyal ng mga sundalo tuwing unang buwan.
4 Si Dodai na mula sa angkan ni Ahoa ang kumander ng mga sundalo sa ikalawang buwan. May 24,000 siyang sundalo. Si Miklot ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.
5 Si Benaya na anak ng paring si Jehoyada, ang kumander ng mga sundalo sa ikatlong buwan. May 24,000 siyang sundalo sa kanyang grupo.
6 Siya ang Benaya na matapang na pinuno ng 30 matatapang na tauhan ni David. Ang anak niyang si Amizabad ang pinakamataas na opisyal sa grupo niya.
7 Si Asahel na kapatid ni Joab ang kumander ng sundalo sa ikaapat na buwan. Ang anak niyang si Zebadia ang pumalit sa kanya. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
8 Si Shamut na mula sa angkan ni Izra ang kumander sa ikalimang buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
9 Si Ira na anak ni Ikkes na mula sa Tekoa ang kumander ng mga sundalo sa ikaanim na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
10 Si Helez na taga-Pelon na lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ikapitong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
11 Si Sibecai na taga-Husha na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikawalong buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
12 Si Abiezer na taga-Anatot na mula sa lahi ni Benjamin ang kumander sa ikasiyam na buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
13 Si Maharai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Zera ang kumander ng mga sundalo sa ikasampung buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
14 Si Benaya na taga-Piraton na mula sa lahi ni Efraim ang kumander ng mga sundalo sa ika-11 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
15 Si Heldai na taga-Netofa na mula sa angkan ni Otniel ang kumander ng mga sundalo sa ika-12 buwan. May 24,000 sundalo sa grupo niya.
16 Ito ang mga opisyal ng lahi ng Israel:Sa lahi ni Reuben: si Eliezer na anak ni Zicri.Sa lahi ni Simeon: si Shefatia na anak ni Maaca.
17 Sa lahi ni Levi: si Hashabia na anak ni Kemuel.Sa angkan ni Aaron: si Zadok.
18 Sa lahi ni Juda: si Elihu na kapatid ni David.Sa lahi ni Isacar: si Omri na anak ni Micael.
19 Sa lahi ni Zebulun: si Ishmaya na anak ni Obadias.Sa lahi ni Naftali: si Jeremot na anak ni Azriel.
20 Sa lahi ni Efraim: si Hoshea na anak ni Azazia.Sa kalahating lahi ni Manase: si Joel na anak ni Pedaya.
21 Sa kalahati pang lahi ni Manase sa Gilead: si Iddo na anak ni Zacarias.Sa lahi ni Benjamin: si Jaasiel na anak ni Abner.
22 Sa lahi ni Dan: si Azarel na anak ni Jeroham.Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.
23 Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na 20, dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit.
24 Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruya ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Dios sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.
25 Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari.Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.
26 Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.
27 Si Shimei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari.Si Zabdi na taga-Sefam ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak ng hari.
28 Si Baal Hanan na taga-Geder ang namamahala ng mga puno ng olibo at sikomoro sa mga kaburulan sa kanluran.Si Joash ang namamahala sa mga bodega ng langis ng olibo.
29 Si Sitrai na taga-Sharon ang namamahala ng mga kawan ng hayop na pinapastol sa Sharon.Si Shafat na anak ni Adlai ang namamahala ng mga kawan ng hayop sa mga lambak.
30 Si Obil na Ishmaelita ang namamahala ng mga kamelyo.Si Jedaya na taga-Meronot ang namamahala ng mga asno.
31 Si Jaziz na Hagreo ang namamahala ng mga tupa.Silang lahat ang mga opisyal na namamahala sa mga ari-arian ni Haring David.
32 Si Jonatan na tiyuhin ni Haring David ang tagapayo niya. Isa siyang matalinong tao at manunulat. Si Jehiel na anak ni Hacmoni ang guro ng mga anak ng hari.
33 Si Ahitofel ang isa pang tagapayo ng hari. Ang Arkeo na si Hushai ay malapit na kaibigan ng hari.
34 Nang mamatay si Ahitofel, pinalitan siya ni Jehoyada na anak ni Benaya at ni Abiatar. Si Joab ang kumander ng mga sundalo ng hari.