1 Ito ang mga grupo ng mga angkan ni Aaron:Ang mga anak na lalaki ni Aaron ay sina Nadab, Abihu, Eleazar at Itamar.
2 Pero unang namatay sina Nadab at Abihu sa kanilang ama, at wala silang anak, kaya sina Eleazar at Itamar ang naglingkod bilang mga pari.
3 Sa tulong nina Zadok na mula sa angkan ni Eleazar, at Ahimelec na mula sa angkan ni Itamar, pinagbukod-bukod ni Haring David ang angkan ni Aaron ayon sa kanilang tungkulin.
4 Ang angkan ni Eleazar ay hinati sa 16 na grupo at ang angkan ni Itamar sa walong grupo, dahil mas marami ang mga pinuno sa pamilya ng angkan ni Eleazar.
5 Ang lahat ng gawain ay hinati sa mga grupo sa pamamagitan ng palabunutan, kaya may mga opisyal ng templo na naglilingkod sa Dios mula sa mga angkan ni Eleazar at mula sa mga angkan ni Itamar.
6 Si Shemaya na anak ni Netanel na Levita ang kalihim. Itinala niya ang pangalan ng mga pari sa harap ng hari at ng mga opisyal na sina Zadok na pari, Ahimelec na anak ni Abiatar, at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at ng mga Levita. Salitan sa pagbunot ang angkan nina Eleazar at Itamar.
7 Ang unang nabunot ay si Jehoyarib,ang ikalawa ay si Jedaya,
8 ang ikatlo ay si Harim,ang ikaapat ay si Seorim,
9 ang ikalima ay si Malkia,ang ikaanim ay si Mijamin,
10 ang ikapito ay si Hakoz,ang ikawalo ay si Abijah,
11 ang ikasiyam ay si Jeshua,ang ikasampu ay si Shecania,
12 ang ika-11 ay si Eliashib,ang ika-12 ay si Jakim,
13 ang ika-13 ay si Huppa,ang ika-14 ay si Jeshebeab,
14 ang ika-15 ay si Bilga,ang ika-16 ay si Imer,
15 ang ika-17 ay si Hezir,ang ika-18 ay si Hapizez,
16 ang ika-19 ay si Petahia,ang ika-20 ay si Jehezkel,
17 ang ika-21 ay si Jakin,ang ika-22 ay si Gamul,
18 ang ika-23 ay si Delaya,at ang ika-24 ay si Maazia.
19 Ginawa nila ang kanilang mga tungkulin sa templo ng Panginoon ayon sa tuntunin na ibinigay ng ninuno nilang si Aaron mula sa Panginoon, ang Dios ng Israel.
20 Ito ang mga pinuno ng mga pamilya ng iba pang lahi ni Levi:Mula sa angkan ni Amram: si Shubael.Mula sa angkan ni Shubael: si Jedeya.
21 Mula sa angkan ni Rehabia: si Ishia, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya.
22 Mula sa angkan ni Izar: si Shelomot.Mula sa angkan ni Shelomot: si Jahat.
23 Mula sa angkan ni Hebron: si Jeria ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Amaria ang ikalawa, si Jahaziel ang ikatlo at si Jekameam ang ikaapat.
24 Mula sa angkan ni Uziel: si Micas.Mula sa angkan ni Micas: si Shamir.
25 Mula sa angkan ni Ishia na kapatid na lalaki ni Micas: si Zacarias.
26 Mula sa angkan ni Merari: sina Mahli at Mushi.Mula sa angkan ni Jaazia: si Beno.
27 Mula sa angkan ni Merari sa pamamagitan ni Jaazia: sina Beno, Shoham, Zacur at Ibri.
28 Mula sa angkan ni Mahli: si Eleazar, na walang mga anak na lalaki.
29 Mula sa angkan ni Kish: si Jerameel.
30 Mula sa angkan ni Mushi: sina Mahli, Eder at Jerimot.Iyon ang mga Levita ayon sa kanilang mga pamilya.
31 Katulad ng ginawa ng mga angkan ni Aaron, nagpalabunutan din sila para malaman ang mga tungkulin nila, anuman ang kanilang edad. Ginawa nila ito sa harap nina Haring David, Zadok, Ahimelec at ng mga pinuno ng mga pamilya ng mga pari at mga Levita.