1 Cronica 8 ASND

Ang Lahi ni Benjamin

1 Ito ang mga anak na lalaki ni Benjamin mula sa panganay hanggang sa pinakabata: Bela, Ashbel, Ahara,

2 Noha at Rafa.

3 Ang mga anak na lalaki ni Bela ay sina Adar, Gera, Abihud,

4 Abishua, Naaman, Ahoa,

5 Gera, Shefufan at Huram.

6 Ang mga angkan ni Ehud na pinuno ng kanilang mga pamilya ay pinaalis sa Geba at lumipat sa Manahat –

7 sila ay sina Naaman, Ahia, at Gera. Si Gera na ama nina Uza at Ahihud ang nanguna sa paglipat nila.

8 Hiniwalayan ni Shaharaim ang mga asawa niyang sina Hushim at Baara. Kinalaunan, tumira siya sa Moab, at nagkaanak siya

9 sa asawa niyang si Hodes. Ang mga anak nilang lalaki ay sina Jobab, Zibia, Mesha, Malcam,

10 Jeuz, Sakia at Mirma. Naging pinuno sila ng kanilang mga pamilya.

11 May anak ding lalaki si Shaharaim sa asawa niyang si Hushim. Silaʼy sina Abitub at Elpaal.

12 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Eber, Misam, Shemed (na nagtatag ng mga bayan ng Ono at Lod, at ng mga baryo sa paligid nito),

13 at sina Beria at Shema. Sila ang mga pinuno ng kanilang mga pamilya na nakatira sa Ayalon. Sila rin ang nagpaalis sa mga naninirahan sa Gat.

14-16 Ang mga anak na lalaki ni Beria ay sina Ahio, Shashak, Jeremot, Zebadia, Arad, Eder, Micael, Ishpa at Joha.

17-18 Ang mga anak na lalaki ni Elpaal ay sina Zebadia, Meshulam, Hizki, Heber, Ishmerai, Izlia at Jobab.

19-21 Ang mga anak na lalaki ni Shimei ay sina Jakim, Zicri, Zabdi, Elienai, Ziletai, Eliel, Adaya, Beraya at Shimrat.

22-25 Ang mga anak na lalaki ni Shashak ay sina Ispan, Eber, Eliel Abdon, Zicri, Hanan, Hanania, Elam, Antotia, Ifdeya at Penuel.

26-27 Ang mga anak na lalaki ni Jeroham ay sina Shamsherai, Sheharia, Atalia, Jaareshia, Elias at Zicri.

28 Sila ang mga pinuno ng mga pamilya nila ayon sa talaan ng kanilang mga lahi, at tumira sila sa Jerusalem.

29 Si Jeyel na ama ni Gibeon ay tumira sa Gibeon. Ang pangalan ng asawa niya ay Maaca.

30 Ang mga anak niyang lalaki mula sa panganay hanggang sa pinakabata ay sina Abdon, Zur, Kish, Baal, Ner, Nadab,

31 Gedor, Ahio, Zeker,

32 at Miklot na ama ni Shimea. Tumira sila malapit sa kanilang mga kamag-anak sa Jerusalem.

33 Si Ner ang ama ni Kish, si Kish ang ama ni Saul, at si Saul ang ama ni Jonatan, Malki Shua, Abinadab at Eshbaal.

34 Ang anak ni Jonatan ay si Merib Baal na ama ni Micas.

35 Ang mga anak na lalaki ni Micas ay sina Piton, Melec, Tarea at Ahaz.

36 Si Ahaz ang ama ni Jehoada, at si Jehoada ang ama nina Alemet, Azmavet at Zimri. Si Zimri ang ama ni Moza,

37 at si Moza ang ama ni Binea. Ang anak ni Binea ay si Rafa, na ama ni Eleasa, na ama ni Azel.

38 Si Azel ay may anim na anak na lalaki na sina Azrikam, Bokeru, Ishmael, Shearia, Obadias at Hanan.

39 Ang mga anak na lalaki ng kapatid ni Azel na si Eshek ay sina Ulam (ang panganay), Jeush (ang ikalawa), at Elifelet (ang ikatlo).

40 Matatapang ang anak ni Ulam at mahuhusay silang pumana. Marami silang anak at apo – 150 lahat.Silang lahat ang lahi ni Benjamin.

mga Kabanata

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29