1 Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, na anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel. Si Daniel ang pangalawa, na anak niya kay Abigail na taga-Carmel.
2 Si Absalom ang pangatlo, na anak niya kay Maaca na anak na babae ni Haring Talmai ng Geshur. Si Adonia ang pang-apat, na anak niya kay Hagit.
3 Si Shefatia ang panglima, na anak niya kay Abital. Si Itream ang pang-anim, na anak niya kay Egla.
4 Silang anim ay isinilang sa Hebron, kung saan naghari si David sa loob ng pitong taon at anim na buwan.Naghari si David sa Jerusalem sa loob ng 33 taon.
5 At ito ang mga anak niyang lalaki na isinilang doon: si Shimea, Shobab, Natan at Solomon. Silang apat ang anak niya sa asawa niyang si Batsheba na anak ni Amiel.
6 May siyam pa siyang anak na sina Ibhar, Elishua Elifelet,
7 Noga, Nefeg, Jafia,
8 Elishama, Eliada at Elifelet.
9 Iyon ang lahat ng mga anak na lalaki ni David, bukod sa iba pa niyang mga anak na lalaki sa iba pa niyang mga asawa. May anak din si David na babae na si Tamar.
10 Ito ang angkan ni Solomon na naging hari: Rehoboam, Abijah, Asa, Jehoshafat,
11 Jehoram, Ahazia, Joash,
12 Amazia, Azaria, Jotam,
13 Ahaz, Hezekia, Manase,
14 Ammon at Josia.
15 Ito ang mga anak ni Josia: Ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa ay si Jehoyakim, ang ikatlo ay si Zedekia, at ang ikaapat ay si Shalum.
16 Ang pumalit kay Jehoyakim bilang hari ay si Jehoyakin na kanyang anak. At ang pumalit kay Jehoyakin ay si Zedekia na kanyang tiyuhin.
17 Ito ang angkan ni Jehoyakin, ang hari na binihag sa Babilonia: si Shealtiel,
18 Malkiram, Pedaya, Shenazar, Jekamia, Hoshama at si Nedabia.
19 Ang mga anak na lalaki ni Pedaya ay sina Zerubabel at Shimei. Ang mga anak na lalaki ni Zerubabel ay sina Meshulam at Hanania. Ang kapatid nilang babae ay si Shelomit.
20 May lima pang anak na lalaki si Zerubabel na sina Hashuba, Ohel, Berekia, Hasadia at Jushab Hesed.
21 Ang mga anak na lalaki ni Hanania ay sina Pelatia at Jeshaya. Si Jeshaya ang ama ni Refaya, si Refaya ang ama ni Arnan, si Arnan ang ama ni Obadias, at si Obadias ang ama ni Shecania.
22 Ang angkan ni Shecania ay si Shemaya. Anim lahat ang anak ni Shemaya: sina Hatush, Igal, Baria, Nearia at Shafat.
23 Tatlo lahat ang anak na lalaki ni Nearia: sina Elyoenai, Hizkia at Azrikam.
24 Pito lahat ang anak na lalaki ni Elyoenai: sina Hodavia, Eliashib, Pelaya, Akub, Johanan, Delaya at Anani.