43 Ito ang mga hari ng Edom, noong panahon na wala pang mga hari ang mga Israelita:Si Bela na taga-Dinhaba na anak ni Beor ay naging hari sa Edom.
44 Pagkamatay niya, pinalitan siya ni Jobab na anak ni Zera na taga-Bozra.
45 Pagkamatay ni Jobab, pinalitan siya ni Husham na taga-Teman.
46 Pagkamatay ni Husham, pinalitan siya ni Hadad na taga-Avit na anak ni Bedad. Si Hadad ang nakatalo sa mga Midianita roon sa Moab.
47 Pagkamatay ni Hadad, pinalitan siya ni Samla na taga-Masreka.
48 Pagkamatay ni Samla, pinalitan siya ni Shaul na taga-Rehobot na malapit sa Ilog ng Eufrates.
49 Pagkamatay ni Shaul, pinalitan siya ni Baal Hanan na anak ni Acbor.