9 Nang dumating sila sa giikan ni Kidon, hinawakan ni Uza ang Kahon, dahil nadulas ang mga baka.
10 Nagalit nang matindi ang Panginoon kay Uza dahil hinawakan niya ang Kahon. Kaya namatay siya roon sa presensya ng Dios.
11 Nagalit si David dahil biglang pinarusahan ng Panginoon si Uza. Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ang lugar na iyon ay tinatawag na Perez Uza.
12 Nang araw na iyon, natakot si David sa Dios at sinabi niya, “Paano madadala sa lungsod ko ang Kahon ng Dios?”
13 Kaya nagpasya siyang huwag na lang dalhin ang Kahon sa kanyang lungsod. Sa halip, iniwan niya ito sa bahay ni Obed Edom na taga-Gat.
14 Nanatili ito sa bahay ni Obed Edom sa loob ng tatlong buwan, at pinagpala ng Panginoon ang pamilya ni Obed Edom at ang lahat ng ari-arian niya.