2 At dito nalaman ni David na ang Panginoon ang nagluklok sa kanya bilang hari at nagpalago ng kaharian niya para sa mga mamamayan niyang Israelita.
3 Doon sa Jerusalem, marami pang naging asawa si David, at nadagdagan pa ang mga anak niya.
4 Ito ang mga anak niya na isinilang doon: Shamua, Shobab, Natan, Solomon,
5 Ibhar, Elishua, Elpelet,
6 Noga, Nefeg, Jafia,
7 Elishama, Beeliada, at Elifelet.
8 Nang mabalitaan ng mga Filisteo na si David ang piniling hari sa buong Israel, tinipon nila ang lahat ng sundalo nila para hulihin siya. Pero nabalitaan iyon ni David, at sinalubong niya sila.