21 Ngunit hindi pinahintulutan ng Dios na apihin sila.Para maproteksyunan sila, sinaway niya ang mga hari na kumakalaban sa kanila.
22 Sinabi niya,“Huwag ninyong galawin ang hinirang kong mga lingkod,huwag ninyong saktan ang aking mga propeta.”
23 Kayong mga tao sa buong mundo, umawit kayo sa Panginoon.Ipahayag ninyo sa bawat araw ang tungkol sa pagliligtas niya sa atin.
24 Ipahayag ninyo sa lahat ng tao sa mga bansa ang kanyang kapangyarihan at kahanga-hangang mga gawa.
25 Dahil dakila ang Panginoon at karapat-dapat papurihan.Dapat siyang katakutan ng higit kaysa sa lahat ng mga dios,
26 dahil ang lahat ng dios ng ibang mga bansa ay ginawa lang nila para sambahin,ngunit ang Panginoon ang lumikha ng langit.
27 Nasa kanya ang kaluwalhatian at karangalan;ang kalakasan at kagalakan ay nasa kanyang tahanan.