33 At ang mga puno sa gubat ay aawit sa tuwa sa presensya ng Panginoon.Dahil darating siya upang hatulan ang mga tao sa mundo.
34 Magpasalamat kayo sa Panginoon dahil siyaʼy mabuti;ang kanyang pag-ibig ay walang hanggan.
35 Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Dios na aming Tagapagligtas;palayain nʼyo po kami sa mga bansa at muli kaming tipunin sa aming lupain,upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”
36 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!
37 Ipinagkatiwala ni David kay Asaf at sa kapwa nito Levita ang palaging paglilingkod sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, ayon sa kailangang gawin sa bawat araw.
38 Kabilang sa grupong ito ay si Obed Edom na anak ni Jedutun, si Hosa, at ang 68 pang Levita, na mga guwardya ng Tolda.
39 Ipinagkatiwala ni David sa pari na si Zadok at sa kanyang mga kapwa pari ang Tolda ng Panginoon doon sa mataas na lugar sa Gibeon.