35 Manalangin kayo, “Iligtas nʼyo kami, O Dios na aming Tagapagligtas;palayain nʼyo po kami sa mga bansa at muli kaming tipunin sa aming lupain,upang makapagpasalamat at makapagbigay kami ng papuri sa inyong kabanalan.”
36 Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, magpakailanman.At ang lahat ay magsabing, “Amen!” Purihin ninyo ang Panginoon!
37 Ipinagkatiwala ni David kay Asaf at sa kapwa nito Levita ang palaging paglilingkod sa harap ng Kahon ng Kasunduan ng Panginoon, ayon sa kailangang gawin sa bawat araw.
38 Kabilang sa grupong ito ay si Obed Edom na anak ni Jedutun, si Hosa, at ang 68 pang Levita, na mga guwardya ng Tolda.
39 Ipinagkatiwala ni David sa pari na si Zadok at sa kanyang mga kapwa pari ang Tolda ng Panginoon doon sa mataas na lugar sa Gibeon.
40 Sila ang palaging nag-aalay ng mga handog na sinusunog sa altar, araw at gabi, ayon sa lahat ng nakasulat sa Kautusan ng Panginoon na ibinigay niya sa Israel.
41 Kasama rin nila sina Heman, Jedutun, at ang iba pang mga pinili sa pag-awit ng pagpapasalamat sa Panginoon dahil sa pag-ibig niyang walang hanggan.