1 Nang matandang-matanda na si David, ginawa niyang hari ng Israel ang anak niyang si Solomon.
2 Ipinatipon niya ang lahat ng pinuno ng Israel, pati ang mga pari at mga Levita.
3 Binilang ang mga Levita na nasa edad 30 pataas, at ang bilang nilaʼy 38,000.
4 Sinabi ni David, “Ang 24,000 sa kanila ay mamamahala ng mga gawain sa templo ng Panginoon, ang 6,000 ay maglilingkod bilang mga opisyal at mga hukom,
5 ang 4,000 ay maglilingkod bilang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang 4,000 ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong ipinagawa ko para sa gawaing ito.”
6 Hinati ni David sa tatlong grupo ang mga Levita, ayon sa mga pamilya ng mga anak ni Levi na sina Gershon, Kohat at Merari.