5 ang 4,000 ay maglilingkod bilang mga guwardya ng mga pintuan ng templo, at ang 4,000 ay magpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng mga instrumentong ipinagawa ko para sa gawaing ito.”
6 Hinati ni David sa tatlong grupo ang mga Levita, ayon sa mga pamilya ng mga anak ni Levi na sina Gershon, Kohat at Merari.
7 Ang mga anak ni Gershon ay sina Ladan at Shimei.
8 Tatlo ang anak ni Ladan: si Jehiel, ang pinakapinuno ng kanilang pamilya, si Zetam at si Joel.
9 Sila ang mga pinuno ng mga pamilya ni Ladan.Si Shimei ay may tatlo ring anak na lalaki na sina Shelomot, Haziel at Haran.
10-11 Nagkaroon pa ng apat na anak na lalaki si Shimei: ang pinakapinuno ng kanilang pamilya ay si Jahat, ang pangalawa ay si Zina, at sumunod sina Jeush at Beria. Kakaunti lang ang mga anak ni Jeush at Beria, kaya binilang sila na isang pamilya lang.
12 Si Kohat ay may apat na anak na lalaki na sina Amram, Izar, Hebron at Uziel.