1 Pumili si David at ang mga kumander ng mga sundalo mula sa mga anak ni Asaf, Heman at Jedutun para ipahayag ang mensahe ng Dios na tinutugtugan ng mga alpa, lira at pompyang. Ito ang talaan ng mga pangalan nila at gawain:
2 Mula sa mga anak na lalaki ni Asaf: sina Zacur, Jose, Netania at Asarela. Naglingkod sila sa ilalim ng pamamahala ng kanilang ama. Si Asaf ang nagpapahayag ng mensahe ng Dios kung ipinag-uutos ito ng hari.
3 Mula sa mga anak na lalaki ni Jedutun: sina Gedalia, Zeri, Jeshaya, Shimei, Hashabia at Matitia – anim silang lahat. Naglingkod din sila sa ilalim ng pamamahala ng ama nilang si Jedutun, na nagpahayag ng mensahe ng Dios na tinutugtugan ng alpa, na may pasasalamat at papuri sa Panginoon.
4 Mula sa mga anak na lalaki ni Heman: sina Bukia, Matania, Uziel, Shebuel, Jerimot, Hanania, Hanani, Eliata, Giddalti, Romamti Ezer, Joshbekasha, Malloti, Hotir at Mahaziot.
5 Silang lahat ang anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Dios sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng 14 na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Dios sa kanya.
6 Ang lahat ng lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Dios. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari.