5 Silang lahat ang anak ni Heman na propeta ng hari. Pinarangalan siya ng Dios sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng 14 na anak na lalaki at tatlong anak na babae, ayon sa ipinangako ng Dios sa kanya.
6 Ang lahat ng lalaking ito ay pinamahalaan ng kanilang ama sa pagtugtog nila ng mga pompyang, lira at alpa bilang paglilingkod sa bahay ng Dios. Sina Asaf, Jedutun at Heman ay nasa ilalim ng pamamahala ng hari.
7 Sila at ang mga kamag-anak nila, na 288 lahat ay mahuhusay na musikero para sa Panginoon.
8 Nagpalabunutan sila para malaman ang kanya-kanyang tungkulin, bata man o matanda, guro man o mag-aaral.
9 Ang unang nabunot sa pamilya ni Asaf ay si Jose at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.Ang ikalawa ay si Gedalia at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
10 Ang ikatlo ay si Zacur at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.
11 Ang ikaapat ay si Izri at ang mga anak niyang lalaki at mga kamag-anak – 12 sila.