22 Ang mga anak ni Jehieli na sina Zetam at Joel ang katiwala ng mga bodega ng templo ng Panginoon.
23 Ito ang mga pinuno mula sa angkan ni Amram, Izar, Hebron at Uziel: Mula sa angkan ni Amram:
24 si Shebuel, na mula rin sa angkan ni Gershom, na anak ni Moises, ang punong opisyal sa mga bodega ng templo.
25 Ang mga kamag-anak niya sa angkan ni Eliezer ay sina Rehabia, Jeshaya, Joram, Zicri at Shelomit.
26 Si Shelomit at ang kanyang mga kamag-anak ang katiwala sa mga bodega ng mga handog na inialay ni Haring David, ng mga pinuno ng mga pamilya, ng mga kumander ng libu-libo at ng daan-daang sundalo, at ng iba pang mga pinuno.
27 Inihandog nila ang ibang nasamsam nila sa labanan para gamitin sa templo ng Panginoon.
28 Si Shelomit din at ang kanyang mga kamag-anak ang nangalaga sa lahat ng mga inihandog ni Samuel na propeta, ni Saul na anak ni Kish, ni Abner na anak ni Ner, at ni Joab na anak ni Zeruya. Ang iba pang mga inihandog ay ipinamahala din nila.