21 Sa kalahati pang lahi ni Manase sa Gilead: si Iddo na anak ni Zacarias.Sa lahi ni Benjamin: si Jaasiel na anak ni Abner.
22 Sa lahi ni Dan: si Azarel na anak ni Jeroham.Sila ang mga opisyal ng mga lahi ng Israel.
23 Nang sinensus ni David ang mga tao, hindi niya isinama ang mga tao na wala pa sa edad na 20, dahil nangako ang Panginoon na pararamihin niya ang mga Israelita gaya ng mga bituin sa langit.
24 Inumpisahan ni Joab na anak ni Zeruya ang pagsesensus sa mga tao pero hindi niya ito natapos dahil nagalit ang Dios sa pagsesensus na ito. Kaya ang kabuuang bilang ng mga Israelita ay hindi naitala sa listahan ni Haring David.
25 Si Azmavet na anak ni Adiel ang namamahala sa mga bodega sa palasyo ng hari.Si Jonatan na anak ni Uzia ang namamahala sa mga bodega sa mga distrito, bayan, baryo at sa mga tore.
26 Si Ezri na anak ni Kelub ang namamahala sa mga nagtatrabaho sa bukid ng hari.
27 Si Shimei na taga-Rama ang namamahala sa mga ubasan ng hari.Si Zabdi na taga-Sefam ang namamahala ng mga produkto nito, ang bunga ng ubas at alak ng hari.