1 Ito ang mga anak na lalaki ni David na isinilang sa Hebron: Si Amnon ang panganay, na anak niya kay Ahinoam na taga-Jezreel. Si Daniel ang pangalawa, na anak niya kay Abigail na taga-Carmel.
2 Si Absalom ang pangatlo, na anak niya kay Maaca na anak na babae ni Haring Talmai ng Geshur. Si Adonia ang pang-apat, na anak niya kay Hagit.
3 Si Shefatia ang panglima, na anak niya kay Abital. Si Itream ang pang-anim, na anak niya kay Egla.
4 Silang anim ay isinilang sa Hebron, kung saan naghari si David sa loob ng pitong taon at anim na buwan.Naghari si David sa Jerusalem sa loob ng 33 taon.
5 At ito ang mga anak niyang lalaki na isinilang doon: si Shimea, Shobab, Natan at Solomon. Silang apat ang anak niya sa asawa niyang si Batsheba na anak ni Amiel.
6 May siyam pa siyang anak na sina Ibhar, Elishua Elifelet,
7 Noga, Nefeg, Jafia,