15 Ito ang mga anak ni Josia: Ang panganay ay si Johanan, ang ikalawa ay si Jehoyakim, ang ikatlo ay si Zedekia, at ang ikaapat ay si Shalum.
16 Ang pumalit kay Jehoyakim bilang hari ay si Jehoyakin na kanyang anak. At ang pumalit kay Jehoyakin ay si Zedekia na kanyang tiyuhin.
17 Ito ang angkan ni Jehoyakin, ang hari na binihag sa Babilonia: si Shealtiel,
18 Malkiram, Pedaya, Shenazar, Jekamia, Hoshama at si Nedabia.
19 Ang mga anak na lalaki ni Pedaya ay sina Zerubabel at Shimei. Ang mga anak na lalaki ni Zerubabel ay sina Meshulam at Hanania. Ang kapatid nilang babae ay si Shelomit.
20 May lima pang anak na lalaki si Zerubabel na sina Hashuba, Ohel, Berekia, Hasadia at Jushab Hesed.
21 Ang mga anak na lalaki ni Hanania ay sina Pelatia at Jeshaya. Si Jeshaya ang ama ni Refaya, si Refaya ang ama ni Arnan, si Arnan ang ama ni Obadias, at si Obadias ang ama ni Shecania.